PABORITONG PAGKAING PINOY
ANG SAMPUNG PINAKA PABORITO AT SIKAT NA MGA PAGKAING PINOY...
1. ADOBONG MANOK O BABOY- ang adobong ay ang pinaka popular na pagkaing pinoy kaya naman ay tinagurian itong pambansang ulam ng mga pinoy. ang pangunahing sangkap nito ay manok o baboy, toyo, at suka. o diba napaka simple lng at madaling hanapin ang mga sangkap sa kusina.
2. KARE-KARE - Nagmula ito sa bayan ng sentro sa pagluluto, ang Pampanga. Ang pangalawa ito ay inihahanda sa mga mararangyang piging ng mga Moro na naninirahan sa Manila bago pa man dumating ang mga Espanyol.
3. KALDERETANG BAKA - Pinangalanan na Caldereta ito dahil ito ay nanggaling sa salitang espanyol na caldera na ang ibig sabihin sa tagalog ay kaldero. Ang ulam na ito ay katulad ng nilagang karne mula sa Iberian Peninsula. Dinala ito ng mga Espanyol sa Pilipinas sa panahon ng kanilang 300-taong pananakop ng Pilipinas. Ihinahain ang Kaldereta tuwing may espesyal na okasyon o pagdiriwang. Hindi lamang baka ang puwedeng gamitin na karne kundi pati manok at baboy.
4. TINOLANG MANOK- Mahirap tantiyahin kung kailan ang tiyak na petsa noong inimbento ang tinola. Una itong nabanggit sa nobela ni Jose P. Rizal na Noli Me Tangere. Inihain kay kapitan Tiago kay Crisostomo Ibarra ang tinola ng siya'y makarating sa Pilipinas mula sa Europa. Naibgay sa kanya ang masarap na parte ng manok. Nang makuha ito ni Crisostomo Ibarra ay hindi natuwa si Padre Damaso dahil ang nakuha nya ay leeg ng manok lamang.
5. BICOL EXPRESS- Kilalang mga uragon o matatapang ang mga Bicolano, kaya naman ang bagsik ng anghang ng siling inihahalo nila sa kanilang mga niluluto. Ang pangalan na Bicol Express ay hinango mula sa tren na tumatakbo mula Maynila patungong Bikol. Ito ang isa sa mga pinaka kilalang pagkain na nagmula sa Bicol.
7. CRISPY PATA - Ang Crispy pata ay isa sa mga pagkaing paborito ng mga Pilipino na pinaggagamitan ng hita ng baboy. Medyo mahaba ang proseso ng pagluluto nito pero sulit naman ang oras at pagod. Mula sa lambot ng karne hanggang sa lutong ng balat, siguradong ito'y tatawag ng pansin saan mang piging.
8. PINAKBET - Ang pinakbet o pakbet ay isang pagkaing Pilipino na nagmula sa rehiyon ng Ilocos. Kabilang sa mga sangkap nito ang kamatis, sibuyas, bawang, talong, okra, ampalaya, kamote o kalabasa na may laman ng baboy o isda at gulay. pinaka bet ko ito!
9. SINIGANG NA BABOY - Ang sinigang ay isang lutuin at pakaing Pilipino na maaring may sangkap na karne, isda o iba pang lamang-dagat. Pangunahing katangian ng lutong ito ay ang kanyang naparami at may kaasiman na sabaw. Karaniwang sinasahogan o tinitimplahan ito ng mga maaasim na prutas tulad ng sampalok, kamias o bayabas.
10. LECHON - At syempre sino ba naman ang aayaw sa Lechon. Ang Litson o Lechon ay inihaw na isang buong baboy, bata man o hindi na karaniwang nilalagyan ng mansanas sa bibig matapos na malutong na nakatuhog sa kawayan habang nakadarang sa mga nagbabagang mga uling. karaniwang hinahain tuwing piyesta, piging, kasalan, binyagan at kaarawan.
Comments
Post a Comment