IBA'T IBANG PIYESTA SA PILIPINAS

Hinugyaw festival ng Koronadal -Ang Hinugyaw Festival ay ginaganap tuwing ika sampu ng Enero. ito ay isa sa mga pistang ipinagdiriwang sa Lungsod ng Koronadal bilang pagdiriwang ng pagkakatatag ng kanilang lungsod na noo'y Marbel Settlement District noong 1940. Nagkakaroon ng parada, pagtatanghal ng mga katutubong sayaw, palaro, paligsahan, at kung anu-ano pang gawaing nagpapakita ng mga tradisyon at kultura ng Koronadal.

Nagmula sa isang salitang Hiligaynon na ang ibig sabihin ay “pagsasaya,” ang Hinugyaw ay isang makulay na pagdiriwang na naglalahad ng kasaysayan ng mga katutubo mula sa iba't ibang panig ng Pilipinas at kung paano nabuo ang Koronadal sa kabila ng malawak na kultura.



MASKARA Festival ng Bacolod- Ang Masskara Festival ay syang pinakamalaking taunang kasiyahan sa Bacolod kung saan ito ay sumasalamin sa mga Bacoleños bilang masayahin, magalakin, at palaging nakangiti. Ang okasyong ito ay nagtatampok ng mga kumpetisyon sa palaro, kultural na mga programa , karnabal , paligsahan sa kagandahan at katalinuhan ng mga Bacoleñong dilag at isang mahabang Mardi grass sa kalye kung saan ang mga tao ay sumasayaw sa kalye at nagkakasiyahan sa indak at saliw sa iba’t ibang tugtog ng musika. Ang MassKara Festival ay nagaganap tuwing ikatlong linggo ng Oktubre at inaabot ng isang linggo. Ang Bacolod City na syang kabisera ng lalawigan ng Negros Occidental ay nagkakaron ng kumpetisyon sa pagsasayaw sa kalye o street dancing kung saan ang mga tao mula sa lahat ng antas ng pamumuhay ay nasa kalye ng syudad at nakikisaliw sa ritmo ng musika, nagpapagandahan ng costume o kasuotan, pagalingan sa sayaw, sabayan sa indak, tugtog at iba pang mga criteria sa kahusayan ng street dancing.

    



Panagbenga Festival ng Baguio - ang taunang kapistahan sa Lungsod ng Baguio na idinaraos sa buong buwan ng Pebrero. Ipinagmamalaki ditto ang kasaganahan ng mga bulaklak sa Baguiogayun din ang mayamang kultura nila kung kaya’t ito ay dinarayo taon-taon ng mga turista. Ang salitang panagbenga ay may kahulugang, “panahon ng pagyabong, panahon ng nagsimula noong 1994, isa sa pinakamalaki at pinakamatagumpay na pista sa Pilipinas Fiesta Calendar.

Baguio, tinaguriang City of Flowers dahil sa isang buwan pagdiriwang na kinapapalooban ng pagsasaya katulad ng Parade of Floats and Bands, Street Dancing Competitions na ginaganap sa huling Lingo ng Pebrero. Mayroon din landscapes competitions, Arts exibits, Golf tournaments, Flea markets, at ang mga simpleng kasiyahan para sa mga turista at sa mga residente doon.

Tulad nga ng nabanggit ang LUNSOD NG  BAGUIO ay may malamig na klima kung kayat hindi nakapagtatakang ang mga bulaklak ay madaling tumubo dito.

Ang PANAGBENGA FESTIVAL ay isang napakalaki at engrandeng prada ng mga sasakyang pinalamutian ng mga bulaklak na naani nga mga mag sasaka pagkatapos ng pamumulak lak ng mga ito.

   



Sinulog Festival ng Cebu - Ang Sinulog ay isa, kung hindi man, ang pinakamalaking selebrasyon na inaabangan hindi lang ng mga Cebuano kundi lahat ng mga deboto ng Señor Santo Niño.

Ang Sinulog Festival ay ginaganap taon-taon sa pangatlong linggo ng Enero bilang pagbibigay-pugay sa mapaghimalang imahe ng Sto. Niño at tumatagal ng siyam na araw. At kadalasang sikat ang pagdiriwang na ito sa Cebu City.

Ang salitang Sinulog ay nagmula sa Cebuanong pang-abay na sulog, na nangangahulugang “like water current movement” na inilalarawan ang urong-sulong na paggalaw ng Sinulog dance.





Pahiyas Festival ng Lucban, Quezon- Ang pista ng Pahiyas na ipinagdiriwang sa Lucban, Quezon tuwing ika-15 ng Mayo ay hango sa salitang lokal na "payas" na ang ibig sabihin ay palamuti o palamutian. Ang pistang ito ay mas kilala noon bilang pista ni San Isidro na ipinagdiriwang bilang pasasalamat sa mga anito para sa masaganang ani. Taong 1970s nang sinimulan itong tawaging Pahiyas.

Ang "kiping" ang mas nagpakilala sa pista ng Pahiyas. Ito ang ginagamit na panggawa ng makukulay na dekorasyon tulad ng mga naglalakihang bulaklak at mga dahon uwing sasapit ang pista. Gawa ito sa bigas kaya maari itong kainin kung maihahanda at mailuluto nang maayos.


                  



Dinagyang Festival ng Iloilo - Ang Dinagyang Festival ay isang relihiyosong at kultural na pagdiriwang sa Iloilo City upang bigyang-pugay ang Santo Niño. Idinaraos ito tuwing ikaapat na Linggo ng Enero, o pagkatapos ng Sinulog sa Cebu at Ati-Atihan Festival sa Kalibo, Aklan. Bagamat hindi ito kasing kakaiba ng selebrasyon sa Kalibo, Aklan, mayroon itong kahanga-hangang sayaw at nakatutuwa ang mga costume ng mga tribung kalahok na nagtatampok ng pagiging orihinal, mahusay sa detalye, at malikhain ng mga Ilonggo.     







Comments